Arestado ang isang lalaki matapos na ireklamo ng dating nobya dahil sa pagbabanta ng pagkalat ng mga hubad na larawan nito sa Marilao, Bulacan.

Kinilala ang naaresto sa entrapment operation na si Christopher Natividad.

-- Advertisement --

Ayon sa imbestigasyon, tinakot ng suspek ang biktima na ikakalat ang hubad na larawan nito na kaniyang palihim na kinunan noon.
Pinipilit pa ng suspek na makipagtalik ito sa kaniya at humihingi pa ng P12,000.

Itinanggi namang ng suspek ang alegasyon at sinabing nais lamang niyang siraan ang dating nobyo.