Makakapaglaro na si San Antonio Spurs bigman Victor Wembanyama sa susunod na season matapos siyang bigyan ng clearance mula sa dinanas na deep vein thrombosis o blod clot sa kaniyang balikat sa mga nakalipas na ilang buwan.
Kalakip ng clearance ay ang pagpayag sa kaniya na makadalo sa mga practice at makibahagi sa training camp ng Spurs.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na medical report ukol sa blod clot na dinanas ni Wemby ngunit sa isang panayam sa seven-footer habang siya ay nasa France ay inamin niyang natanggap na niya ang clearance.
Ayon kay Wembanyama, noong natuklasan ang blod clot ay nababahala siyang hindi na siya makakapaglaro ng basketball, ngunit sa tulong ng ilang medical intervention ay tuluyan din naglabas ng clearance ang kaniyang mga doktor.
Sa ngayon aniya, maraming training exercise ang dapat muna niyang pagdaanan habang unti-unting sinasanay ang kaniyang balikat na dating nakitaan ng blod clot.
Mahigit limang buwan na aniya mula noong huli siyang naglaro ng 5X5 match at kailangang unti-unti muna ang pagpasok niya sa mga training kasama ang mga kapwa Spurs player.
Dalawang taon na ang nakakalipas ay nakapasok ang bagitong sentro sa NBA at gumawa siya ng kasaysayan sa loob lamang ng ilang season na paglalaro.
Kabilang dito ang ipinosteng 24.3 points per game, 11 rebounds, 3.8 blocks at 3.7 assists per game. Dalawang NBA player pa lamang ang nakakagawa ng naturang record – una ay ang NBA legend na si Kareem Abdul-Jabbar noong 1975-76.