Dinomina ng San Antonio Spurs ang laban kontra Los Angeles Lakers ngayong araw Huwebes, December 11, 132-119.
Hindi nakapalag ang Lakers mula simula hanggang matapos ang laban matapos mapanatili ng Spurs ang 50% overall shooting kung saan naipasok ng Spurs ang 43 shots mula sa 86 na pinakawalan nito.
Sa dominanteng performance ng Lakers, nahawakan nito ang lead sa bawat pagtatapos ng quarter hanggang sa pumasok ang 4th quarter kung saan pinilit nitong burahin ang double digit deficit ngunit hindi pa rin naging sapat.
Sa kabila ng hindi paglalaro ni Spurs bigman Victor Wembanyama, ipinoste ng koponan ang impresibong depensa sa kabuuan ng laban, kung saan kumamada ito ng 50 rebounds at siyam na steal sa kabuuan ng laban.
Nanguna sa panalo ng koponan ang bagitong guard na si Stephon Castle na nagbulsa ng 30 points at sampung rebounds.
Isang team effort ang ginawa ng koponan kung saan pito sa mga player nito ang gumawa ng double-digit points.
Hindi naman naging sapat ang 35 points na ipinasok ni Lakers guard Luka Doncic na ibinabad sa hard court sa loob ng 41 mins.
Parehong hawak ng dalawang western team ang 17-7 win-loss record.
















