Nanawagan ng hustisya ang Simabahang Katolika para sa mga Pilipinong biktima ng pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea.
Sa isang pahayag, hinimok ni Stella Maris Philippines head at Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pamahalaan na imbestigahan kung bakit nadamay ang ilang Pilipinong manlalayag, kasama ang pakikipagtulungan sa international authorities upang makamit ang hustisya para sa mga nasawing mandaragat.
Si Bishop Santos ay nagsisilbi rin bilang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Comission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) head.
Kasabay ng kaniyang pawanagan ay nag-alay din ng misa at panalangin si Bishop Santos, kasabay ng pangakong nakahanda ang simbahan para tumulong sa mga naulilalng pamilya.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa apat na Pilipino ang nakumpirmang nasawi kasunod ng pag-atake ng mga rebelde ang MV Eternity C kung saan lulan ang hanggang 20 Pinoy.
Kasabay ng panawagan para sa hustisya, nag-alay din ng panalangin si Bishop Santos para sa pamamayani ng kapayapaan at katahimikan sa kabila ng pagpapatuloy ng dimaan sa Holy Land.
Ayon kay Santos, ang nangyari sa mga Pinoy ay nagpapakita ng panganib na regular na hinaharap ngmga manlalayag habang ginagampanan ang kanilang trabaho. / Bombo Genesis Racho