Binalaan ng isang mataas na opisyal ng Simbahang Katolika ang ilang mambabatas na umano’y sumisira sa dignidad ng mga Pinoy na may sakit.
Ginawa ni CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David ang babala kasunod ng lumalaganap na sistema ng mga programang pangkalusugan na nakabatay sa patronage.
Paliwanag nito na ang ganitong sistema ay nagdudulot din ito ng paghina sa mga institusyon ng pamahalaan na siyang dapat na nagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Aniya, ang pamamaraan ng pagbibigay ng tulong medikal na nakasalalay sa interbensyon ng mga pulitiko ay nagiging isang malaking problema.
Ipinunto niya na ang paggamit ng mga guarantee letters at discretionary funds ay nagiging isang uri ng pabor na ibinibigay ng mga pulitiko, imbes na ito ay ituring na isang karapatan ng bawat mamamayan.
Sa kanyang pahayag, tinukoy ng kardinal ang pinalawak na Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients program.
Binigyang-diin din ni Cardinal David na ang ganitong sistema ay taliwas sa mga turo ng Simbahang Katolika.
Hinimok ni Cardinal David ang mga mambabatas na ipatupad ang tulong medikal sa pamamagitan ng isang malinaw at rules-based na mekanismo.
















