-- Advertisements --

Itinalaga si Cardinal Jose Advincula na mamuno sa Pontificio Collegio Filippino.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na pamamahalaan ni Advincula ang Pontificio Collegio Filippino na isang institusyon na nagsusuporta sa mga paring Filipino na ipinupursige ang pag-aaral at formation sa Roma.

Siya ang tutulong sa misyon ng kolehiyo na magbibigay ng bahay, komunidad at magandang kapaligiran para sa academic, spiritual at pastoral growth para matiyak na ang mga Paring Pinoy sa Roma ay handang magbigay ng buong serbisyo sa Simbahan ng bansa.

Ang kaniyang pagkakatalaga ay sumisimbolo sa layon ng CBCP na magkaroon ng malalim na dedikasyon ng isang pari.