CENTRAL MINDANAO-Isa ang nasawi at isang sugatan sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang binawian ng buhay na si Fortunato Nadela Jr,40 anyos,may asawa at residente ng Brgy Takepan Pikit North Cotabato.

Sugatan naman ang isang taong gulang na anak ng biktima na tinamaan ng mga ligaw na bala.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Major Mautin Pangandigan na pinasok ng dalawang hindi kilalang suspek ang tahanan ng biktima at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan habang sugatan sa kaliwang balikat ang isang taong anak nitong babae na tinamaan ng ligaw na bala.

Personal na alitan ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.