-- Advertisements --

LAOAG CITY – Isa ng malamig na bangkay na nahanap ng mga otoridad ang isang lalaki sa fishpond sa Brgy. Elizabeth, Marcos.

Kinilala ni PLt. Rudy James Jacalne, ang hepe ng PNP-Marcos ang biktima na si Rogelio Pascua habang ang suspek ay si Jaime Domingo, bayaw ng biktima.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Jacalne, nakatanggap sila ng report ukol sa pinaghihinalaang nalunod sa fish pond sa Brgy. Elizabeth.

Aniya, agad na nagresponde ang kapulisan at narekobre ang bangkay ng biktima mula sa fishpond.

Inihayag ni Jacalne na habang niasasagawa ang paunang imbestigasyon ay may nakitaang dugo sa isang kubo na malapit sa fish pond.

Nalaman na sa kubo nag-inuman ang magbayaw at sa gitna ng kanilang inuman ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan tungkol sa fish pond hanggang sa sinaksak ng suspek ang dibdib ng biktima.

Matapos saksakin ay itinapon niya ito sa fishpond dahilan ng agad na pagkamatay ng biktima.

Kaugnay nito, ipinaalam ni Jacalne na dahil sa nagtuloy-tuloy na hot pursuit operation sa nakatakas na suspek at ang mga residente na nakakakilala rito ay agad itong nahuli.

Aniya, nanatili ang suspek sa kustodiya ng otoridad habang inihahanda ang kasong murder na ipipila kontra sa suspek.