Inamin ni Los Angeles Lakers coach Frank Vogel na sinira daw nina Kawhi Leonard at ng LA Clippers ang lahat sa masaklap nilang 112-102 pagkabigo sa kanilang season opener.

Gayunman, naniniwala si Vogel na ang pagsasantabi nila sa kanilang pick-and-roll-heavy offense dahil sa switching schemes ng Clippers, nakahanap daw sila ng “maganda at epektibong alternatibo.”

“The first positive is our post offense is a problem for other teams,” wika ni Vogel.

Wala rin aniya silang balak na iitsapwera ang taktikang pick-and-roll, kung saan mas bibigyan ng papel si Rajon Rondo, na hindi nakapaglaro sa opening night, sa kanilang mga laro sa hinaharap.

“I envision Rajon Rondo being a major player for us this year — 25-30 minutes a game guy, whether he starts or comes off the bench,” ani Vogel.

Bago ito, sinabi ni Lakers star LeBron James na marami raw silang naging pagkukulang na naging daan para magapi sila ng Clippers.

“We kind of let our offense dictate our defense and we have to be better at that,” ani James. “Down the stretch we had some careless turnovers… Myself, I know I had three of them that were just very careless, and (the Clippers) capitalized off it.”

Sa kabila nito, positibo pa rin si James na magagawa nilang makabawi sa susunod pa nilang mga laro.

“I mean at times we got stagnant, but at times we still got great shots. [Anthony Davis] had a great look off dribble penetration. Quinn [Cook] had a couple looks in that fourth quarter,” sambit ni James. “We had some great looks, they just didn’t go.”