Hindi nagpapakumpiyansa ang Los Angeles Lakers kahit na sila ang paboritong manalo sa Western Conference Finals laban sa Denver Nuggets.

Sinabi ni Lakers star LeBron James, na hindi matatawaran ang galing ng Nuggets dahil sila lamang ang koponan na nakabangon sa 3-1 deficit ng talunin nila ang Los Angeles Clippers.

Dahil aniya sa ginawa ng Nuggets ay nakuha nila ang respeto ng maraming basketball fans.

Hindi rin maitago ni James ang paghanga kay Nuggets star Nikola Jokic dahil matindi ang ginagawa nitong sakripisyo para madala sa panalo ang koponan.

Sa panig naman ng Nuggets, sinabi ng kanilang coach na si Mike Malone na nais nilang dalhin ang momentom ng tagumpay nila sa Clipper sa paghaharap nila ng Lakers.

Gaganapin ngayong alas-9 ng umaga ang first game ng Western Conference Finals ng dalawang koponan.