-- Advertisements --

Nagbulontaryo si Los Angeles Lakers star Luka Doncic na sasagutin niya lahat ang mga gastusin sa pagsaayos ng mural nina Kobe at Gigi Bryant sa downtown Los Angeles.

Isinagawa ni Doncic ang pahayag matapos na mabalitaan na na-vandalized ang “Mambas Forever” mural sa 14th at Main Streets.

Una na ng nagbigay ng $5,000 ang Lakers guard para sagutin ang GoFundMe page na ginawa ng artist na si Louie Palsino.

Dagdag pa ng Slovenian star na nais lamang niyang ibalik ang suporta na nakuha niya sa mga fans ng Lakers.