Ibinunyag ng Los Angeles Lakers guard Danny Green na nagpropose na ito ng kasal sa kaniyang longtime girlfriend na si Blair Bashen.

Sa kaniyang Instagram, nagpost si Green ng larawan kung paano niya ginawa ang proposal sa Ventura beach, California.

May caption ito ng tila paghingi nito ng paumanhin sa kasintahan dahil natagalan itong magpropose matapos ang pagsasama na nila ng limang taon.

Sa Instagram post naman ni Bashen ay pinasalamatan niya ang nobyo na naging malapit na kaibigan.

Isang volleyball player si Bashen sa Purdue college sa loob ng apat na taon.

Habang nasa unang season naman ng Lakers si Green kung saan mayroon itong average na 8.2 points at 3.4 rebounds kada laro.