GEN Tam RASCO

KORONADAL CITY – Nababahala na umano ang Police Regional Office (PRO-12) dahil sa patuloy na paglaganap ng sari-saring iligal na investment schemes sa rehiyon.

Ayon kay PNP-12 regional director Brig. Gen. Eliseo Tam Rasco, batay sa kanilang monitoring maraming mga residente kabilang na ang mga ranking officials at miyembro ng PNP ang patuloy na nagpapabiktima sa mga investment schemes.

Sa isang panayam, inamin ng opisyal na sa kabila ng mga babala at public advisories mula sa mga ahensiya ng gobyerno, patuloy pa rin ang aktibidad ng mga ito.

Matatandaang una nang naglabas ng warning ang PNP-12 laban sa Kapa Community Ministry at Almamico.

Dahil dito tiniyak ni Rasco na patuloy ang PNP sa pagsasagawa ng law enforcement actions at pag-iimbestiga sa naturang mga investment schemes.