-- Advertisements --

Ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson na mayroong dalawang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan ang nagpatalo ng P300 milyon bawat isa sa casino.

Ayon sa Senador, na ang isa ay district engineer habang ang isa ay nasa mas mababang katungkulan sa ahensiya.

Kapwa mayroong posisyon na Salary Grade 19 ang dalawa.

Itinatago nila ang kanilang pagkakilanlan at gumagamit ng mga aliases o mga inimbentong pangalan.

Ipinarating na rin nito ang impormasyon kay DPWH Secretary Vince Dizon.

Una ng nabunyag sa Senate Blue Ribbon Committee na inamin ni dating Bulacn 1st district engineer Henry Alcantara na ito ay naglalaro sa casino kasama ang dating assistant district engineer na si Brice Hernandez.