Magiging unang koponan ang Golden State Warriors na maglalaro sa kanilang home court na walang mga fans at audience na manonood.

Isasagawa ang paghaharap ng Warriors sa Brooklyn Nets sa Biyernes.

Ayon sa team, kinonsulta nila ang lungsod at gobyerno ng San Francisco tungkol sa nasabing paglalaro ng walang fans.

Magugunitang pagbabawalan na rin muna ng NBA ang panonood ng mga NBA fans bilang paraan para hindi na kumalat pa ang deadly virus.

Sa Amerika nasa 1,237 na ang mga kaso ng COVID habang nasa 37 na ang mga nasawi.