MSB 1 2
-- Advertisements --

CENTRAL Mindanao – Binawian ng buhay ang isang konduktor ng bus sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Norodin Sampegat Tigkanan, 36, may-asawa, konduktor ng Mindanao Star Bus at residente ng Barangay Poblacion 7, Cotabato City.

Ayon kay Aleosan chief of police Captain Arvin John Cambang na habang binabaybay ng isang yunit ng Mindanao Star Bus ang Cotabato-Davao highway mula sa Davao City patungo sa lungsod ng Cotabato.

Pagsapit ng bus sa Barangay Pagangan, Aleosan, Cotabato tatlong pasahero ang pumara at sabay na binaril ang biktima.

Bago tumakas ang mga suspek ay kinuha nito ang P9,100 na koleksyon ng konduktor at binaril pa ang CCTV camera ng bus.

-- Advertisement --

Sumakay ng dalawang motorsiklo na naghihintay sa gilid ng national highway ng mga kasamahan ng mga suspek at tumakas patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Aleosan.

Hindi naman ginalaw ang mga pasahero at target lamang ng mga suspek na sumakay mula sa bayan ng Pikit, Cotabato ang konduktor.

Naisugod pa ang biktima sa Aleosan District Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Aleosan PNP sa pamamaril patay sa konduktor ng Mindanao Star Bus.