-- Advertisements --

Nakatakdang tulungan ni UP men’s basketball player Kobe Paras ang mga protesters na inarestos a lungsod ng Cebu nitong Biyernes.

Sinabi nito na hihingi siya ng tulong sa mga kakilala niya para makalikom ng pondo sa pagpapalaya ng pitong protesters.

Naging bukas na nasabing basketbolista sa pagpapahayag ng pangontra sa mga anti-terror bill.

Nauna rito inaresto ang pitong katao na nagsagawa ng kilos protesta na nagkokondina ng anti-terror bill na ginanap sa University of the Philippines Cebu.