Kapwa pasok sa welterweightl imit na 147 pounds sina Pinoy boxing icon Manny Pacquiao at American boxer Mario Barrios.
Sa isinagawang weigh-in nitong Sabado ng umaga sa Las Vegas ay tumimbang si Pacquiao ng 146.8 pounds habang si Barrios ay mayroong 146.2 pounds.
Itinuturing na ito na ang pinakamabigat na timbang ni Pacquiao mula noong ikaapat na paghaharap niya kay Juan Manuel Marquez noong Disyembre 2012.
Huling lumaban si Pacquiao ay noong 2021 ng talunin siya ni Yordenis Ugas sa pamamagitanng unanimous decision.
Habang ang 30-anyos na si Barrios ay huling lumaban noong Nobyembre ng nakaraang taon sa pamamagitan ng 12-round split draw laban kay Abel Ramos.
Si Pacquiao ay mayroong 62 panalo, walong talo at dalawang draw na mayroong 39 knockouts habang ang 30-anyos na American boxer na si Barrios ay mayroong 29 panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong 18 knockouts.