-- Advertisements --
Pormal ng umupo si King Frederik X ng Denmark matapos na bumaba sa puwesto ang kaniyang ina Queen Margrethe II.
Naganap turn-over sa ginanap na cabinet meeting sa Christiansborg Palace sa Copenhagen.
Magugunitang nagdesisyon ang 83-anyos na reyna matapos ang pamumuno ng 52 taon.
Matapos ang pagsalin ng kapangyarihan ay idineklara ni Danish Prime Minister Mette Frederiksen ang pormal na pagkilala sa hari na tradisyon na ginagawa na nakasaad sa konstitusyon ng 1849.
Binati siya ng kanilang kababayan na nagtungo sa kalsada ng Copenhagen.