Itinakda ng Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang isang pagdinig sa darating na Agosto 28 kaugnay ng planong pagpapalawak ng gas turbine power plant sa Zamboanga City na pagmamay-ari ng San Miguel Global Power Holdings Corp.
Plano kasing isinumite ng Malita Power Inc., na dagdagan ang kapasidad ng planta mula 28 megawatts (MW) tungo sa 56 MW upang tugunan ang kakulangan sa suplay ng kuryente at mga isyu linya sa Zamboanga Peninsula.
Ang P3.2 billion project ay kinabibilangan ng bagong diesel-fired modular turbine, karagdagang fuel storage, at interconnection facilities. Target ng kompanya na matapos ang testing at commissioning ngayong quarter ng taon.
Ayon sa Malita Power, inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapatatag ng suplay ng kuryente at magbibigay ng karagdagang buwis at serbisyo sa lokal na pamahalaan at komunidad sa rehiyon.