-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng dagdag-bawas sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.60 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Mayroong namang P0.80 na bawas sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong P0.80 na bawas sa kada litro.
Paliwanag ng Department of Energy na epekto pa rin ito sa taripa na ipinatupad ng US sa ibang mga bansa.
Kasama pa rin ang tensyon na nagaganap sa Middle East.