-- Advertisements --

Humihirit ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na mabigyan ng 50 percent na diskuwento ang mga minimum-wage earners kapag sila ay sumasakay sa Light Rail Transit 1 at 2 at Metro Rail Transit Line -3 o MRT-3.

Sinabi ni TUCP Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza, na isang malaking tulong ito sa mga manggagawa na may minimum na sahod na tinatanggap.

Malaking katipiran ang nasabing hakbang sa mga mangagawa na regular na gumagamit ng mga train sa bansa.

Hinikayat din nito ang mga mambabatas sa Senado at House of Representatives na agarang aprubahan na ang legislated wage hike.