-- Advertisements --

Tiniyak ni Senate President Win Gatchalian na magpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kahit may inihain nang petition sa Supreme Court na kumukuwestiyon sa proseso ng paglilitis.

Ayon kay Gatchalian, walang inilabas na temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kaya walang dahilan upang ihinto ang impeachment trial.

Sa katanungan kung paano magpapatuloy ang paglilitis sakaling piliin ng defense panel na hindi dumalo sa mga susunod na pagdinig.

Sinabi ni Gatchalian na tungkulin ng impeachment court na ipagpatuloy ang paglilitis at magpasya basta may quorum ng senator-judges. Binigyang-diin niya na desisyon ng defense panel kung pipiliin nitong hindi dumalo.

Samantala, sinabi rin ng Senate President na wala siyang naririnig na plano mula sa mga senator-judge na hindi dumalo o lumahok sa botohan. Aniya, maging ang mga miyembro ng minority ay patuloy na dumadalo sa mga aktibidad ng Senado.

Tungkol naman sa usapin kung dapat ay aktuwal na dumalo at makilahok ang mga senator-judge upang maging kuwalipikado ang kanilang boto, sinabi ni Gatchalian na susundin ng impeachment court ang naging ruling nito.

Kung maglalabas naman ng bagong desisyon ang Supreme Court kaugnay ng mga petition, sinabi ni Gatchalian na saka na nila ito haharapin kapag may aktuwal nang ruling.

Sa ngayon, malinaw aniya ang posisyon ng impeachment court: tuloy ang impeachment trial.