-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa Vatican si King Charles at Queen Camilla.
Personal nilang makakaharap si Pope Leo XIV kung saan madrasa sila sa Sistine Chapel sa Vatican.
Sila ang magiging unang Briton at Santo Papa na sabay na magdarasal sa isang misa mula ng maisagawa ang Reformation noong 16th Century.
Magkakasabay ang mga pari at choirs mula sa Roman Catholic church at Church of England kung saan ang hari ang siyang supreme governor.
Ang nasabing pagbisita ay mahalagang simbolo ng reconcillation at siyang unang pagkikita ni King Charles at Santo Papa.