-- Advertisements --

Panawagan ng pagkakaisa ang naging sentro ng Christmas message ni King Charles III ng Britanya.

Sa kaniyang taunang Christmas message, ay inalala niya ang mga tapang at sakripisyo noong World War II kung saan makikita ang pagkakaisa ng komunidad.

Mahalaga aniya na hindi mawala ang kaugalian ng pagpupursige para makamtan ang kapayapaan.

Maging ang mga nagpakita ng tapang noong naganap ang pamamaril sa Bondi Beach sa Australia at ang Manchester synagogue attack ay marapat na tularan.

Ang tradisyon na Christmas message ng monarch ay isinagawa noon ng 1932 na unang ginawa ni King George V.