-- Advertisements --

Nakiisa sina King Charles at Queen Kamila kay Pope Leo XIV sa pagdarasal sa Sistine Chapel sa Vatican City.

Si King Charles ang kauna-unahang head ng Church of England na nagdasal sa harap ng publiko kasama ang Santo Papa.

Itinuturing na simbolismo ang magkasamang pagdarasal ng Santo Papa at Hari makalipas ang halos 500 taon mula nang humiwalay ang Simbahan ng Inglatera mula sa Roma.

Bago ang prayer service, nagkaroon muna ng private audience ang Hari at Reyna sa Santo Papa.

Napalitan rin sina Pope Leo at ang Royals ng mga regalo para markahan ang makasaysayang okasyon ngayong araw.

Sa parte ni King Charles, iprinisenta niya sa Santo Papa ang isang malaking silver photograph at icon ni St. Edward the Confessor, ang Anglo-Saxon king of England na kilala bilang “man of great prayer”.

Bilang kapalit, binigyan ng Santo Papa ang Hari ng scale version ng mosaic na ‘Christ Pantocrator’ mula sa cathedral sa Sicily, na ginawa sa Vatican.

Kasalukuyang nasa Vatican sina King Charles bilang bahagi ng kanilang official state visit.