-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs na isang lindol na may lakas na magnitude 6.0 ang yumanig pasado alas-7:03 ng umaga sa bayan ng General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 11 kilometro sa silangang bahagi ng nasabing lugar, at tectonic ang pinagmulan nito na may lalim na 10 kilometro.

Bunga nito, naramdaman ang Intensity IV na pagyanig sa Surigao City sa Surigao del Norte at sa Cabadbaran City sa Agusan del Norte, pati na rin sa ilang karatig-lungsod kabilang ang Butuan City, at mga bayan ng Hinunangan, San Francisco, Hinundayan, at Silago sa Southern Leyte.

Patuloy ngayong nararanasan ang mga aftershocks kabilang ang isa sa bayan ng Dapa sa parehong lalawigan.