Dismayado si Education Secretary Sonny Angara na tila hindi nabibigyan ng prayoridad ng DPWH ang pagtatayo ng mga classrooms.
Kasunod ito sa pagsasawalat sa budget hearing sa Senado na 22 classrooms lamang ang naitayo sa mahigit 1,000 na target i-construct.
Sa isang panayam sinabi ni Angara, nakakagalit ng malaman niya na hindi binigyan ng prayoridad ang mga classrooms.
Binigyang-diin ni Angara na nakakapang hinayang talaga lalo na at ang alam natin kung ano ang kailangan ng bayan.
Sinabi ni Angara, tila nawili umano ang ilang opisyal sa DPWH sa flood control projects, dahilan para hindi na mabigyan ng sapat na atensyon at pondo ang mga proyektong pang-edukasyon.
Ayon sa datos, ang pondo para sa flood control projects ay halos dumoble sa nakaraang taon, habang nananatiling kulang ang alokasyon para sa imprastruktura ng edukasyon.
Bunsod nito, libu-libong estudyante ang patuloy na nagsisiksikan sa mga silid-aralang di akma sa dami ng mag-aaral, na may ilang nagtitiis pa ring magklase sa ilalim ng puno o makeshift classrooms.
Nanawagan si Angara sa mga ahensiya ng gobyerno na ayusin ang alokasyon ng pondo batay sa tunay na pangangailangan ng taumbayan, lalo na sa sektor ng edukasyon.
Mariing binigyang-diin ni Angara na isa sa mga pangunahing dahilan ng patuloy na backlog sa pagtatayo ng mga silid-aralan ay ang anomalya sa Department of Public Works and Highways (DPWH), partikular na ang labis na paggasta sa flood control projects habang napapabayaan ang sektor ng edukasyon.
Sa isang panayam, tinanong si Sen. Angara tungkol sa kanyang naging reaksyon nang matuklasang umabot sa 22,000 ang backlog ng classrooms sa buong bansa.
Inihayag din ni Angara na target ng Deped, na baguhin ang sistema na hindi lang ang DPWH ang nabigyan ng kapangyarihan na gumawa ng DepEd classrooms.
Aniya nais nito na isama ang local government units, mga lalawaigan, siyudad at first class municpalities na may kakayanan na gumawa ng classrooms.