-- Advertisements --

Stranded ang nasa 193 pasahero matapos magkansela ng ilang biyahe ang isang airline mula at patungong Batanes bilang pag-iingat sa gitna ng epekto ng bagyong Salome.

Kabilang sa mga kinanselang biyahe ay sa mga rutang mula Manila-Basco at vice versa gayundin sa Clark-Basco at vice versa.

Kaugnay nito, inaabisuhan ang mga apektadong pasahero na imonitor ang kanilang flight status at para sa rebooking options.

Base kay Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nakaranas ang Basco ng maulap na papawirin at panaka-nakang pag-ulan nitong Miyerkules habang patuloy na nakakaapekto sa probinsiya ang masamang lagay ng panahon.

Sinuspendi na rin ang mga klase mula Kindergarten hanggang Grade 10 matapos itaas sa Signal No. 2 ang probinsiya at kalaunan ay ibinaba sa Signal No. 1 kasabay ng paghina ng bagyong Salome, base sa pinakahuling ulat mula sa state weather bureau kaninang alas-11 ng umaga, Oktubre 23.