-- Advertisements --
Natapos na ang paglalaro ngayong taon ni Emma Raducanu ng Britain dahil sa nararanasang sakit.
Nakatakda sanang maglaro ang 22-anyos sa Tokyo at Hong Kong subalit nagpasya na ito na umatras.
Umuwi na lamang ito sa Britanya para paghandaan ang mga tennis tournaments sa 2026.
Nagkasundo rin sila ng kaniyang coach na si Francisco Roig na paghahandaan nila ang mga susunod na torneo.
Magugunitang hindi na tinapos ni Raducanu ang second round ng Wuhan Tennis laban kay Ann Li dahil sa init ng panahon.