Ikinulong ang isang guro ng kindergarten sa China dahil sa paglason sa 23 estudyante nito.

Pawang mga mag-aaral ng Mengmeng kindergarten sa Jiaozuo City sa Henan province ang mga biktima.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad nilagyan ng nitrate ng guro ang mga pinakain nitong arozcaldo sa mga bata.

Mabilis na itinakbo sa pagamutan ang mga bata kung saan nakaranas ang mga ito ng pagsusuka at pananakit sa tiyan.

Ang nasabing nitrate ay ginagamit sa fertilizers, food preservations ganun din sa pampasabog.