-- Advertisements --

Nananatiling wala pa ring talo ang Gilas Pilipinas Women sa nagpapatuloy na 2025 FIBA Asia Cup sa China.

Sa paghaharap nila sa Japan ay hindi nakaporma ang pambato ng bansa 85-82.

Nahabol pa ng Filipinas ang 22- points na lamang ng Japan sa pamamagitan ng 21-2 run sa last quarter.

Bagamat nagtulong-tulong sina Jack Animan, Naomi Panganiban at Vanessa De Jesus ay hindi pa rin ito sapat.

Mayroon ng dalawang talo at wala pang panalo ang Gilas habang ang Japan ay mayroong dalawang panalo at wala pang talo sa Group B.

Susubukan ng Gilas Women na makabangon sa paghaharap nila sa araw ng Miyerkules laban sa Lebanon.