Pumanaw na ang kilala sa music industry ng Australia na si Michael Gudinski sa edad 68.

Ayon sa kampo nito na hindi na ito nagising mula sa kaniyang pagkakatulog sa kanilang bahay sa Melbourne.

Siya ang may-ari ng Mushroom Records at veteran tour promoter.

Nakilala ito sa paghubog ng mga local talents gaya nina Kylie Minogue at Jimmy Barnes.

Sa kaniyang Twitter account, binigyang ng pagkilala ni Kylie Minogue si Gudinski sa magandang mga nagawa nito sa kaniyang pagsikat.

-- Advertisement --

Nagpost rin ng larawan ang Australian rock star na si Barnes na tinawag nitong isang kaibigan si Gudinski.

Nakilala si Gudinski sa pagdala ng mga sikat na singer at banda sa Australia gaya nina Frank Sinatra at ang Rolling Stones.