-- Advertisements --
Nagdulot ng malawakang damyos ang ginawang pag-atake ng Russian forces sa residential areas ng Kharkiv, Ukraine.
Sinabi ni regional head ng Kharkiv na si Oleh Synehubov na gumamit ang Russia ng Grad missiles isang artillery system na nakalagay sa truck na kayang pagkawala ng maraming missiles sa nasabing lugar.
Tinarget umano nila ang regional state administration office kung saan kanilang ini-estimate ang kabuuang damyos sa lugar.
Ito na ang pangalawang lugar sa Ukraine na may matinding pagsalakay ng Russian forces kasunod ng Kyiv.
Ang ginawa umano ng Russia ay isang malinaw na paglabag sa Geneva conventions kung saan ang nasabing bansa pa ang nag-ratipika na nagsasaad na ang pag-target ng mga sibilyan ay ikinokonsiderang war crimes.