-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na mananaig ang kredibilidad ng pinakaunang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktobre 13 nitong taon.

Ginawa ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala ang katiyakan kasunod sa binanggit ni Commission on Elections chairman George Erwin Garcia na nasa 95 porsiento na silang handa para sa BARMM parliamentary elections.

Sinabi ni Dema-ala na mayroong na silang sapat na puwersa upang tulungan ang Philippine National Police sa pamamagitan kay BARMM regional director Brig Gen Jaysen De Guzman na tugunan ang kinakilangang seguridad na hiningi ng Comelec sa mismong kampanya hanggang sa matapos ang halalan sa rehiyon.

Maggunitang kasalukuyan nang ipinapatupad ang gun ban sa rehiyon habang pinaghandaan ng state forces ang campaign period na magsimula sa Agosto 28 hanggang Oktobre 11.

Napag-alaman na matapos ang dalawang pagkakataon na pagpaliban noong Mayo 2023 at May 2025 ay tuluyan nang maisagawa ang makasaysayan na halalan ng BARMM sa petsa 13 ng Oktobre nitong taon.