-- Advertisements --

Dinala ng Toronto Raptors sa 3-3 ang serye ng laban sa Cleveland Cavaliers matapos ibulsa ang overtime win sa Game 6.

Dinomina ng Toronto ang 5-min overtime (OT) sa naturang game, 8-6, at ibinulsa ang 112-110 win upang itabla ang serye.

Kumamada ng 73 points ang tatlong shooter ng Raptors na sina Scottie Barnes, RJ Barrett, at Ja’Kobe Walter at pinangunahan ang 2019 NBA champion sa ikatlong panalo ngayong series.

Kinulang ang OT performance ng best shooters ng Cavaliers na sina Evan Mobley, Donovan Mitchell, at James Harden para tapusin na sana ang serye, lalo na at napahirapan ang koponan sa 3-point line.

Tanging 11 3-pointers lamang ang naipasok ng team mula sa 41 attempts nito, na katumbas lamang ng 27%.

Sa kabuuan ng Game 6, kontrolado ng Raptors ang malaking bahagi ng laban kung saan umabot pa sa 15 points ang pinakamataas na naiposteng kalamangan.

Babalik na sa Cleveland ang Game 7 na nakatakdang ganapin sa susunod na linggo.