-- Advertisements --
Ibinasura ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang administrative complaint laban sa ilang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG NCR).
Nagbunsod ito sa reklamo mula sa management ng Coliseo de Manila kung saan kinuha umano ng mga kapulisan ang P40,000 na cash at 22 panabong na manok.
Ayon sa NAPOLCOM, na matapos ang ginawa nilang pagsisiyasat sa mga record at mga dokumento ay nakita nilang lehitimo ang operasyon.
Nagpasya ang NAPOLCOM na ibasura ang kaso at hindi na panagutin ang mga rumespondeng kapulisan.
Magugunitang nagsagawa ng operasyon ang CIDG-NCR noong Marso 24 na nagresulta sa pagkaaresto ng 28 mga e-sabong operators at 136 na mga parokyano.
















