-- Advertisements --

UK JUDGE, MANGUNGUNA SA ICC TRIAL NI DUTERTE
LOOPS: (GFX)Judge Joanna Korner, Judge Keebong Paek, Judge Nicolas Guillou

Itinalaga si Judge Joanna Korner ng United Kingdom bilang presiding judge ng Trial Chamber III sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sa inilabas na desisyon, kinumpirma na si Korner ang mamumuno sa tatlong-hukom na panel na hahawak sa kaso, alinsunod sa regulasyon ng ICC.

Kabilang din sa chamber sina Judge Keebong Paek ng South Korea at Judge Nicolas Guillou ng France.

Ang pagtatalaga kay Korner ay kasunod ng pormal na paglipat ng kaso ni Duterte sa Trial Chamber III noong Abril 24, na nagtatakda ng pamunuan ng korte para sa susunod na yugto ng paglilitis.

Sa hakbang na ito, pormal nang nakaposisyon ang ICC para simulan ang pagdinig sa kaso laban sa dating pangulo. (Report by Bombo Jai)