Tiniyak ng Commission on Election (COMELEC) na nakahanda na sila para sa nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elecitons at ang Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, na naging mabunga ang kanilang command conference sa Philippine National Police (PNP) kasama ang ilang mga law enforcement group para tiyakin ang pagbibigay ng seguridad sa dalawang halalan.
Tiniyak naman nito na mayroong sapat na kahandaan ang COMELEC kung saan sa susunod na buwan ay ang ang paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa BARMM Election.
Inamin din ng opisyal na malaking hamon sa kanila ngayon ay ang pondo kung saan kailangan nilang magtipid dahil sa nararanasang krisis sa enerhiya.















