-- Advertisements --

Sisimulan na ang pagkolekta ng toll fee sa bagong bukas na Cavitex C5 Link-Segment B sa araw ng Martes, Mayo 5, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).

Ito ay matapos ang isang buwang pag-waive ng toll fees sa bagong toll way noong Abril alinsunod sa anunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inaasahan na mapapaikli na ang oras ng biyahe mula sa mga siyudad sa timog na bahagi ng Metro Manila gaya na lamang sa Parañaque patungong Taguig, kung saan mula isa’t kalahating oras na biyahe magiging labing-limang minuto na lamang.

Ayon sa TRB, ang toll fee para sa Dr. A. Santos Ave. (Sucat, Paranaque) patungo at mula sa Taguig (C5) ay ang sumusunod: P59 para sa class 1 vehicles gaya ng kotse, jeepneys, vans, pick-ups at motorsiklo, P117 para sa class 2 gaya ng buses at light trucks, at P176 para sa class 3 gaya ng mabibigat o malalaking trucks o trailers.