-- Advertisements --
Pupulungin ng Philippine National Police (PNP) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang bawat mga partido na interesadong tumakbo sa parliamentary election.
Ayon kay PBGeneral Jaysen De Guzman, ang PNP Regional Director ng BARMM, na may ugnayan sila sa iba’t-ibang law enforcement agencies para tiyaking maging ligtas at mapayapa ang halalan.
Kapag magsimula na ang election period ay asahan ang magiging paghihigpit nila sa nasabing rehiyon.
Lahat aniya ng mga armed groups sa rehiyon ay itinuturing nilang banta sa seguridad kaya mananatiling alerto sila.
















