Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang kahandaan para sa nalalapit na Parliamentary Elections sa darating na Oktubre.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, 90% na ang kanilang kahandaan at preparasyon para sa nalalapit na halalan.
Sa isang panayam, binigyang diin ni Garcia na matutuloy ang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindano (BARMM) kahit na naantala at ipinagpaliban muna ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Samantala, sa pagtataya naman ng komisyon, higit kumulang 2.3 milyong indibidwal ang inaasahang boboto sa Oktubre 13.
Magugunita naman na Pebrero ng kasalukuyang taon ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglipat ng BARMM lections sa Oktubre na dapat ay isasagawa nitong Mayo.