Isiniwalat ng Commission Elections (Comelec) ang 21 kontratista na umano’y nagbigay ng donasyon sa mga kandidato para sa kanilang kampanya nitong nagdaang 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, base ang impormasyon sa 42,000 Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs) na siyang sumailalim sa pagsusuri ng kanilang legal department.
Nilinaw naman nito na ang 21 na kontratista ay hindi nangangahulugang 21 na kandidato din ang sangkot dito. Aniya, nasa walo ang naitala nilang uhindi umano’y sangkot sa pagbibigay ng donasyon.
“Halimbawa may isang kandidato ng maraming kontratista ang nagbigay sakanya” ani Garcia.
Dagdag pa ng opisyal, hindi aabot sa dalawang linggo ang kanilang imbestigasyon at matatapos na agad ito habang sila ay nag aantay ng kumpirmasyon mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Samantala, tiniyak naman ni Garcia na pag natapos ang imbestigasyon ay agad silang makikipagugnayan at magpapadala ng liham sa DPWH para kumpirmahin kung ang mga pangalan na lumitaw sa kanilang imbestigasyon ay talagang kontratista ng gobyerno.