Kasama sa listahan na posibleng makalaban ni Manny Pacquiao ngayong taon si dating super WBA/ IBF lightweight champion Amir Khan.

Sinabi ni MP Promotions head Sean Gibbons, na hindi nila tinatanggal ang British boxer sa listahan ng mga boksingerong nakahanay sa susunod na makakalaban ng fighting senator.

Inaayos na lamang niya ang nasabing laban na posibleng ganapan sa Middle East.

Magugunitang bukod kay Khan ay kasama sa listahan si UFC fighter Conor McGregor, Danny Garcia at Terence Crawford.