-- Advertisements --

Patuloy ang pagdami ng mga sumusuporta sa muling pagbabalik sa boxing ring ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao.

Sa ilang linggong ensayo nito sa Los Angeles ay sinasamahan siya ng ilang mga kilala at baguhang boksingero.

Kabilang na sina champion fighters na sina Teofimo Lopez at Cris Cyborg, elite contenders sina Vergil Ortiz Jr at Emiliano Vargas bukod pa sa mga batang boksingero na nais sundin ang yapak ni Pacquiao.

Sinabi ni Pacquiao na labis itong nagpapasalamat dahil sa pagsubaybay sa kaniyang ensayo ganun din ang mga suporta ng kapwa boksingero.

Sa mga susunod na araw ay magiging matindi na ang ensayo ni Pacquiao para sa nalalapit na laban niya kay WBC welterweight champion Mario Barrios Jr sa darating na Hulyo 19 sa Las Vegas.

Si Pacquiao ay mayroong 62 panalo, walong talo, dalawang draw at 39 knockouts habang si Barrios ay mayroong 29 panalo, dalawang talo, isang draw at 18 knockouts.