Kevin Love
Kevin Love/ IG post

Ibinahagi ni NBA star Kevin Love ang ginawa niyang paglaban sa depression.

Matapos ang pagtanggap niya ng Change Maker Award mula sa Child Minid Institute ay nagbahagi ito ng kaniyang karanasan.

Sinabi nito na marami ang hindi nakakaalam sa pinagdaranan niya.

Itinuon na lamang niya ang kaniyang atensiyon sa paglalaro ng basketball.

Taon 2018 ng itaguyo ng Cleveland Cavaliers star ang Kevin Love Fund para makatulong sa mga ahensiya na tumutulong sa mga batang dumadaan sa depression.