-- Advertisements --

Kontento ang Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) sa naging takbo ng unang araw ng presidential interview, na pinangasiwaan ng Bombo Radyo sa 1st part at ABS-CBN naman sa 2nd part.

Unang isinalang sa interview nina Bombo Elmar Acol, Bombo Jane Buna at Rico Hizon ng CNN PH si dating Defense Sec. Norberto Gonzales.

Habang nagisa naman nina Tony Velasquez, Karmina Constantino at Dan Andrew Cura ang tambalang Leody de Guzman at Prof. Walden Bello.

Para kay KBP national president Herman Z. Basbaño, malaking tulong ang ganitong inisyatibo ng Comelec at KBP member stations, upang marating pa ang mas maraming tagasubaybay, ngayong nasa huling bahagi na ang campaign period.

“Nais nating mabigyan ang mga kandidato ng equal treatment. Para marinig sila ng mas marami pang tao ngayong nalalapit na ang halalan,” wika ni Basbaño.

Bukas, aabangan pa rin sa Bombo Radyo Philippines ang vice presidential interview, para naman kay Senate President Tito Sotto.

Sasahimpapawid pa rin ito sa lahat ng KBP member stations at social media accounts.