DOH Wuhan nCoV NCC OFW coronavirus

Inanunsyo ngayon ng Zhejiang province sa China na inaprubahan na ang kauna-unahang gamot na makakatulong daw sa mga pasyente laban sa deadly virus na novel coronavirus.

Ayon sa Taizhou government sa Zhejiang ang gamot na Favilavir, na dati ang pangalan ay Fapilavir, ay maituturing daw na epektibo bilang antiviral ay aprubado na para ibenta sa merkado.

Ang naturang gamot ay na-develope ng Zhejiang Hisun Pharmaceutical Company bilang unang anti-novel coronavirus drug na puwede nang ibenta ng National Medical Products Administration mula nang magkaroon ng outbreak noong buwan ng Disyembre.

Ang Zhejiang province ay merong kaso ng mga pasyente na umaabot na sa 1,167.

Iniulat naman ng Ministry of Science and Technology ang Favilavir ay isa sa tatlong gamot na nagpapakita ng pagiging epektibo sa paggamot sa novel coronavirus matapos ang isinagawang mga clinical trials.

Samantala umakyat na ang bilang sa mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease 1,770 habang mahigit naman sa 71,000 ang nagkasakit mga iba’t ibang panig ng mundo.