-- Advertisements --
NIKE MJ
sothebys image

Ibinebenta na ngayon sa auction sa New York ang kauna-unahang Air Jordan 1 na ginamit mismo ng dating NBA legend na si Michael Jordan.

Ginawa mismo ng kumpanyang Nike ang kulay pula, puti at itim na kumbinasyon na sapatos na pirmado mismo ng NBA superstar ay inaasahang maibebenta sa Sotheby’s auction ng mula $100,000 hanggang $150,000.

Magtatapos ang bidding ng nasabing sapatos ng hanggang Mayo 17.

Gaya ng karamihang sapatos ni Jordan na magkaiba ang size nito kung saan size 13 sa kaliwa at 13.5 ang size naman kanan.

Galing sa collector na si Jordan Geller ang founder ng sneaker museum na Shoezeum na unang naidisplay sa Las Vegas.

Isinabay ang nasabing auction sa ika-35 anibersaryo ng Air Jordan.

Kilala din ang Sotheby’s auction sa pagbebenta ng mga multi-million dollar na mga art kung saan ang pinakamahal na sapatos na kanilang naibenta ay ang 1972 Nike running shoes na “Moon Shoe” na naibenta sa halagang $437,500.