-- Advertisements --

Tinalo ng Barangay Ginebra ang Converge FiberXers 99-93 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo ng Gins si RJ Abarrientos matapos putulin ang deadlock na 93-all ng maipasok ang dalawang free throws nito na may natitirang 2:02 na oras.

Nagtala ng 33 points at 10 rebounds si Justin Brownlee habang mayroong 32 points si Abarrientos para sa Ginebra.

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na kinailangan nila ang mas matibay na pagtatapos sa laro lalo na at naging masaklap ang kanilang pagkatalo nitong Biyernes laban sa NLEX.

Mayroon ng dalawang panalo at isang talo ang Gin Kings habang ang Converge ay mayroong isang panalo at apat na talo.

Hindi naman umubra ang ginawang 20 points ni Justin Baltazar at 16 points naman ni Mikey Williams para sa Converge.